Apat pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Tinamaan ng COVID-19 ang apat pang pulis, ayon sa Philippine National Police Health Service.

Ayon kay PNP Health Service Director Police Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr., ang mga bagong pulis na nagpositibo sa nakakahawang sakit ay 35-anyos na babae, 32-anyos na lalaki, 39-anyos na babae at 45-anyos na lalaki.

Ang apat na pulis ay nakatalaga sa Metro Manila.

Dahil dito, sinabi ni Tadeo na umakyat na sa 109 ang kabuuang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 17 ang gumaling na habang tatlo ang pumanaw sa hanay ng pambansang pulisya.

Samantala, nasa 369 PNP personnel ang ikinokonsidera bilang Probable Persons Under Investigation (Probable PUIs) at 375 pulis ang Suspected Persons Under Investigation (Suspected PUIs).

Read more...