Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.8 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Lunes ng hapon (May 4).

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 387 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 3:13 ng hapon.

78 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa Sarangani.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...