Pagpataw ng 10 porsyentong dagdag na buwis sa imported oil products, aprubado na ni Pangulong Duterte

Presidential photo

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapataw ng 10 porsyentong dagdag na buwis sa mga imported oil products at refined petroleum products.

Sa ilalim ng Executive Order 113, binibigyan ng kapangyarihan ng Pangulo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na itaas ang paniningil sa import duty sa mga imported oil product na hindi lalagpas sa 10 porsyento.

Binibigyang diin ng pangulo ang pangangailangan na makakalap ng dagdag na pondo ang pamahalaan para may maipangtustos sa krisis sa pangkalusugan dahil sa Coronavirus.

Pinatitiyak naman ng Pangulo sa Department of Budget and Management (DBM) na mapupunta sa programang Kontra COVID-19 ang kikitaing dagdag na buwis gaya halimbawa ng Social Amelioration Program (SAP).

Nilagdaan ng pangulo ang EO noong May 2 habang nasa state of national emergency ang bansa dahil sa COVID-19.

Read more...