LOOK: Limang lugar na nakaranas ng pinakamaalinsangang panahon, May 4

Maalinsangang panahon ang naranasan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba pang lalawigan sa bansa, araw ng Lunes (May 4).

Sa datos ng PAGASA, umabot sa 50 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa Dagupan City at Sangley Point sa Cavite City.

Kapwa naitala ang nasabing heat index bandang 2:00 ng hapon.

Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Ambulong, Tanauan City – 48 degrees Celsius
– Science of Muñoz – 47 degrees Celsius
– Tuguegarao City – 47 degrees Celsius

Bandang 2:00 ng hapon din naitala ang highest recorded heat index sa mga nabanggit na lugar.

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot ng 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index.

Maaari anilang magdulot ito ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kung tuluy-tuloy ang physical activity.

Dahil dito payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...