Heat index sa Metro Manila, umabot sa 41 degrees Celsius

Naging mainit at maalinsangan ang panahon sa Metro Manila sa araw ng Lunes, May 4.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 41 degrees Celsius ang heat index o alinsangang naramdaman sa Science Garden, Quezon City bandang 3:45 ng hapon.

Umabot naman ang naitalang pinakamataas na temperatura sa nasabing lugar sa 36.5 degrees Celsius sa kaparehong oras.

Muling pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...