Bilang ng Filipino sa abroad na positibo sa COVID-19, sumampa na sa higit 1,800

Nasa 68 ang bagong napaulat na Filipinong apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 4, nasa 1,819 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.

Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala sa Europa.

Sa nasabing bilang, 1,130 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 475 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

214 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europe na may 575 na kaso.

Nanatili naman sa 488 ang confirmed COVID-19 positive cases na OF sa Americas.

Nasa 373 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 383 sa Middle East/Africa.

Read more...