Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (May 4), 9,485 na ang kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa.
262 ang panibagong napaulat na bagong kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras
Sa nasabing bilang, 122 rito o 47 porsyento ay mula sa National Capital Region, 88 o 33 porsyento sa Region 7 at 52 o 20 porsyento mula sa iba pang lugar.
Nasa 16 naman ang nasawi dahilan para umabot sa 623 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa kagawaran, 101 ang bagong pasyente na gumaling sa COVID-19 pandemic sa bansa.
Dahil dito, 1,315 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
READ NEXT
LOOK: Itinayong tatlong emergency quarantine facilities ng AFP sa isang ospital sa Marikina
MOST READ
LATEST STORIES