LOOK: Itinayong tatlong emergency quarantine facilities ng AFP sa isang ospital sa Marikina

Nai-turnover na ng Armed Forces of the Philippines at WTA Architecture+Design Studio ang itinayong tatlong emergency quarantine facilities (EQF) sa isang ospital sa Marikina City, araw ng Lunes (May 4).

Ang tatlong EQF sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) ay may bed capacity na 120.

Layon ng EQF na ma-accommodate ang mga COVID-19 patient na wala hanggang sa may mild symptoms para makatulong na ma-decongest ang mga ospital at madagdagan ang kapasidad ng bansa para masugpo ang COVID-19 pandemic.

“The EQFs were funded by the Marikina Local Government Unit and partly by United Architects of the Philippines-Manila Chapter. The construction was made possible by the Office of The Chief Engineer AFP led by MGen William Ilagan and volunteers Danny Ko and Leah Longalong,” ayon sa pahayag ng AFP.

Pinangunahan ni AFP Inspector General Lt. Gen. Ramon Ang Lim ang turnover ceremony kasama sina Marikina Mayor Marcelino Teodoro, AFP Chief Engineer MGen. William Ilagan, 51st Engineering Brigade’s BGen. Emmanuel Anthony Ramos, at WTA Architect William Ti Jr.

Target ng EQF Team na makapagtayo ng kabuuang 62 EQFs.

Hanggang May 3, nakapagtayo na ang grupo ng 56 pasilidad habang ang anim ay ginagawa pa.

Walo sa EQFs ay itinayo para makatulong sa military hospitals. Kabilang dito ang tatlong ECF sa Army General Hospital; dalawa sa V. Luna Medical Center; at tig-iisa sa Philippine Air Force General Hospital, Fernando Air Base Hospital, at Manila Naval Hospital.

Read more...