WATCH: Social distancing hindi nasunod sa pamamahagi ng cash assistance ng DSWD sa Brgy. Batasan Hills sa QC

Dagsa ang mga taong kukuha ng kanilang cash assistance sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Ngayong araw (May 4) ang pamamahagi ng P8,000 na cash assistance sa naturang barangay sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social and Welfare and Development (DSWD).

Sa dami ng mga residenteng dumating para mag-claim ay hindi na nasunod ang social distancing.

Magkakatabi ang mga residente sa pila hanggang sa pagpasok nila sa loob na pinagdarausan ng pamamahagi ng cash aid.

 

Read more...