Pangulong Duterte inatasan ang PhilHealth na gawing boluntaryo ang pagbabayad ng premium ng OFWs

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing boluntaryo lamang ang pagbabayad ng premium ng mga OFW sa PhilHealth.

Ito ay sa gitna ng pag-alma ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pagtaas ng bayarin nila sa premium sa PhilHealth.

Sa kaniyang press brieifing sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbigay na ng direktiba sa PhilHealth si Pangulong Duterte para gawing boluntaryo ang pagbabayad ng premium ng mga OFW.

“Una sa lahat, ipinapaalam po namin sa inyo na nagissue ng direktiba ang Presidente sa PhilHealth para gawing boluntaryo po ang pagbabayad ng mga OFWs ng PhilHealth premiums,” ayon kay Roque.

Ito aniya ang naging pasya sa ngayon ng pangulo habang may krisis.

Ani Roque, ngayong may pandemic ng COVID-19 at maraming OFW na nawalan ng trabaho ay hindi muna dapat magpataw ng dagdag na pahirap sa kanila.

Kinumpirma din ni Roque na sinuspinde ni Health Sec. Francisco Duque III ang Item 10 2 (c) ng implementing rules and regulations ng Universal Health Care Law na nagpapataw na mas mataas na kontributsyon habang may problema ang bansa sa COVID-19.

 

 

 

 

Read more...