Layon rin nitong mapaluwag ang Metro Manila pagkatapos ng enhanced community quarantine para mabilis na ma-contain ang pagkalat ng virus.
Kumbisido si Delos Santos na magandang oportunidad at panimula ang Balik-Probinsya Program para maisulong rin ang pag-unlad sa mga lalawigan.
At para maengganyo ang mga probinsyano sa programa, inirekomenda ng kongresista ang pagbibigay ng insentibo sa mga negosyo o mamumuhunan sa probinsya gayundin sa mga pamilyang uuwi at mananatili sa kanilang lalawigan.
Sa ganitong paraan anya sisigla ang ekonomiya sa probinsya dahil magkakaroon ng kabuhayan at trabaho.
Base sa 2015 census, nasa 12.87 million ang mga tao sa National Capital Region.