Malakanyang kukunsulta muna sa LTFRB kaugnay sa pamasahe sa mga pampasaherong sasakyan na nasa ilalim ng GCQ

Kaklaruhin muna ng Malakanyang sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung makatarungan na maningil ng pagtataas sa pamasahe ang mga pampublikong sasakyan na magbabalik operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hanggang sa ngayon, wala pang inilalabas na guidelines ang LTFRB.

Naiindintihan naman aniya ng palasyo ang hirit ng mga driver na taas pasahe dahil sa ipatutupad na social distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Sa guidelines ng Inter Agency Task Force on Infectious Diseases, papayagan na makabalik ang operasyon ang mga pampublikong sasakyan basta’t tiyakin na nasa isang metro ang layo ng mga pasahero.

Ayon kay Roque, hindi naman kasi maaring ura-urada na makapagpatupad ng singil sa pasahe ang mga tsuper hangga’t walang permiso sa LTFRB.

 

 

 

 

Read more...