New Zealand walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa magdamag

Walang naitalang bagong kaso o nasawi sa COVID-19 sa New Zealand sa nakalipas na magdamag.

Unang pagkakataon ito na nangyari sa nakalipas na anim na linggo.

Ayon kay Director General of Health Ashley Bloomfield magandang balita ito pero patuloy pa ring magbabantay sa mga kaso ang naturang bansa.

Ang New Zealand ay mayroong kabuuang 1,487 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 20 dito ang nasawi.

 

 

Read more...