Limang bayan sa Laguna nananatiling COVID-19 free

Nananatiling walang kaso ng COVID-19 sa limang bayan sa Laguna.

Ayon kay Laguna Gov. Ramil Hernandez kabilang dito ang sumusunod na mga bayan:

Luisiana
Magdalena
Pangil
Santa Maria
Siniloan

Pinuri naman ni Hernandez ang mga lokal na pamahalaan ng nasabing mga bayan at maging ang mga residente dahil sa pagpapanatiling COVID-FREE ang kanilang lugar.

Ang Laguna ay mayroong 297 na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 29 ang pumanaw at 93 naman ang gumaling.

 

 

Read more...