Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo

Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad nilang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Epektibo bukas araw ng Martes, May 5 ay tataas ang presyo ng gasolina habang bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene.

Sa abiso ng Shell, 75 centavos kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina.

Bababa naman ng 60 centavos ang kada litro ng kerosene at 10 centavos ang bawas sa kada litro ng diesel.

Ganitong halaga rin ang ipatutupad na dagdag bawas ng Petro Gazz sa kanilang produktong gasolina at diesel.

Inaasahang ngayong araw ay mag-aanunsyo ng parehong price adjustment ang iba pang oil companies.

 

 

 

 

Read more...