Passport applicants dapat ipa-reschedule ang kanilang appointments ayon sa DFA

Bukas na ang consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga lugar sa Luzon na hindi na sakop ng enhanced community quarantine.

Pinayuhan ng DFA ang mga mayroong schedule para sa passport renewal at bagong passport na tumawag muna sa consular office o kaya ay magpadala ng email.

Kailangan kasing magpa-appointment ng panibago.

Inabisuhan din ang publiko na magpapatupad ng precautionary health measures sa mga consular office.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng physical distancing.

Kung may sakit at may edad na ay pinapayuhan ding huwag na munang magtungo sa consular offices.

 

 

Read more...