Bakuna kontra COVID-19 available na sa US sa katapusan ng taon – Trump

Kumpiyansa si US President Donald Trump na sa katapusan ng taon ay mayroon na silang bakuna panlaban sa COVID-19.

Ayon kay Trump puspusan ang pag-develop ng bakuna kaya maaring bago matapos ang taon ay magagamit na ito.

Isa ang kumpanyang Johnson & Johnson sa katuwang ng Department of Health and Human Services ng Amerika para sa pagbuo ng bakuna.

Ang mga researcher naman mula Oxford University ay nagsabing maaring sa Setyembre ay mai-distribute na ang bakuna.

 

 

 

Read more...