Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na hiniling ni Sec. Carlito Galvez Jr. ng National Task Force on COVID-19 na ihinto muna ang papapauwi sa mga OFW kahit sa loob lang ng isang linggo.
Ito ang dahilan kaya isang linggong suspendido ang inbound international flights sa lahat ng paliparan sa bansa.
Ayon kay Bello, umabot na sa mahigit 45,000 ang napauwing OFWs sa bansa.
Sa nasabing bilang, mahigit 30,000 ay pawang sea based OFWs at ang nalalabi ay pawang land based OFWs.
Mayroon pang mahigit 16,000 na OFWs ang sumasailalim ngayon sa quarantine sa mga pasilidad na inilaan sa mga umuuwing OFWs.
Kabilang dito ang mga hotel na pumayag ipagamit ang kanilang pasilidad at ang mga quarantine ship.