Antas ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.84 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (May 4) mas mababa sa antas nito kahapon na 190.04 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.59 mas mababa sa antas nito kahapon na 76.61 meters habang nanatili naman sa 99.91 meters ang antas ng tubig ng Ipo dam.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao at Binga dams.

Nadagdagan naman ang water level ng Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nanatili naman ang antas ng tubig ng San Roque dam sa 243.60 meters.

 

 

 

 

Read more...