Nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 3.5 million na

Mahigit 3.5 million na ang kabuuang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, mahigit 248,000 na ang pumanaw at mayroong mahigit 1.1 million na naka-recover.

Mayroon pang mahigit 2.1 million na aktibong kaso, at mahigit 50,000 ay kritikal ang kondisyon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), patuloy na magiging banta ang COVID-19 lalo na sa mga bansang unti-unti nang nagbabalik sa normal.

Ito ay hangga’t walang bakunang nabubuo panlaban sa sakit.

 

 

Read more...