Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 296

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 296 ang kabuuang kaso (Linggo, May 3 8PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 52
Los Baños – 36
Calamba – 32
Biñan – 31
Santa Rosa – 27
Santa Cruz – 19
San Pablo – 16
Cabuyao – 14
Pila – 8
Bay – 7
Calauan – 7
Liliw – 6
Lumban – 6
Victoria – 6
Pagsanjan – 5
Kalayaan – 4
Majayjay – 4
Nagcarlan – 4
Alaminos – 3
Cavinti – 2
Paete – 2
Pakil – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Rizal – 1

29 naman na ang nasawi at 93 ang naka-recover.

Samantala, umabot na sa 119 ang nananatili sa ospital at 55 naman ang naka-home quarantine.

Nasa 984 naman ang bilang ng suspected cases at 70 ang probable cases.

 

 

 

 

Read more...