Tantangan, South Cotabato niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng South Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 6 kilometers Southwest ng bayan ng Tantangan, alas-4:16 madaling araw ng Lunes (May 4).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Excerpt:
Naitala ang pagyanig alas-4:16 ng madaling araw.

Read more...