Ang ABS-CBN — sa pamamagitan ng programang “Pantawid ng Pag-ibig” — ay nagbigay ng 3,000 emergency food packs sa mga residente ng SJDM sa mga sumusunod na lugar:
Rosario Ville
Skyline Ville
Mga Bahay sa Serrata
Peterville
Liana Road
Amihan Road
Del Monte Heights
Sawmill Subdivision
Skyline Homes
Ang mga nasabing mga lugar ay matatagpuan malapit sa 7.7 ektaryang lupa na pag-aari ng ABS-CBN sa SJDM kung saan tinayo ang ABS-CBN Horizon IT Park. Mayroong dalawang sound stage rito – ang EL3 Stage na pinangalanan sa chairman emeritus ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III at ang Stage 2.
“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa Kapamilya Network sa suporta na ibinigay sa mga tao ng San Jose del Monte,” sabi ni Rep. Robes. “Patuloy silang nagbigay ng suporta sa lokal na pamahalaan. Nagpapasalamat sa mga namamahala sa ABS-CBN sa pagbibigay ng libu-libong emergency food packs.”
Samantala, sinabi naman ni Mayor Robes, “Pinahahalagahan namin ang lahat ng tulong na ibinigay sa amin ng mga kumpanyang tulad ng ABS-CBN. Ikinagagalak ng LGU ang pagiging bukas-palad ng iba’t ibang mga kompanya at organisasyon upang dagdagan ang tulong na binibigay sa mga residente ng San Jose del Monte. Malaking bagay ito sa panahong ito.”