Heat index sa Metro Manila, umabot sa 38 degrees Celsius

Mainit at maalinsangang panahon ang naranasan sa Metro Manila sa araw ng Sabado, May 2.

Ayon sa PAGASA, nanatili sa 38 degrees Celsius ang heat index sa Science Garden, Quezon City bandang 1:50 ng hapon.

34.6 degrees Celsius naman ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Payo ng PAGASA, dalasan pa rin ang pag-inom ng tubig.

Maigi rin, ayon sa weather bureau, na iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

Read more...