2,339 Filipino seafarers sa cruise ships sa Maynila, sumalang sa rapid antibody testing

Patuloy ang pagsasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) Medical Team ng COVID-19 rapid antibody testing sa mga nakadaong na cruise ships sa Maynila.

Ayon sa PCG hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (May 3), 2,339 Filipino seafarers ang sumailalim sa rapid antibody testing sa cruise ships sa Manila Bay Anchorage area.

Narito ang naisagawang pagsusuri sa mga sumusunod na cruise ship:

April 29:
532 – Queen Elizabeth

April 30:
229 – Sun Princess
298 – Sapphire Princess

May 1:
467 – Voyagers of the Seas
284 – Sea Princess

May 2:
314 – Pacific Explorer

May 3:
215 – Pacific Dawn

Tiniyak ng PCG na tuloy pa rin ang kanilang pagsasagawa ng pagsusuri bilang isa sa kanilang precautionary measures sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...