Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 3, nasa 1,751 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,070 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 471 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Tatlo pa ang nasawi kung kaya 210 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami nang naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europe na may 522 na kaso.
Sumunod dito ang Americas na may 488 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 373 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 368 sa Middle East/Africa.