BREAKING: 90 pasyente sa Pilipinas, gumaling sa COVID-19; Total recoveries sa bansa, 1,214 na

Halos 100 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling na pasyenteng apektado ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (May 3), 1,214 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansaa.

Apat naman ang bagong nasawi dahilan kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 607 na.

Sinabi pa ng DOH na 295 ang panibagong naitalang nagpositibo sa COVID-19 pandemic.

Dahil dito, pumalo na sa 9,223 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...