Jose Abad Santos, Davao Occidental nilindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental Linggo ng hapon (May 3).

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 94 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 3:42 ng hapon.

25 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang naidulot na pinsala ang lindol sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...