Higit 1,000 pulis, naka-deploy sa Tondo 1 sa Maynila para sa lockdown

Mahigit 1,000 pulis ang ipinakalat ng Manila Policce District (MPD) para sa pagpapatupad ng 48 oras na hard lockdown sa Tondo 1 district.

Ibinahagi ng Manila Public Information Office ang larawan ang pag-deploy sa mga pulis sa iba’t ibang bahagi ng nasabing distrito sa lungsod.

Umabot na sa 176 ang nahuling lumabag hanggang 1:44, Linggo ng hapon (May 3).

Ipinatupad ang hard lockdown para bigyang-daan ang rapid testing operations sa Tondo 1.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Read more...