LPA, maliit pa rin ang tsansa na maging bagyo – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Samuel Duran, huling namataan ang LPA sa layong 440 kilometers sa Silangang bahagi ng Davao City dakong 3:00 ng hapon.

Nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa buong Mindanao.

Sinabi ni Duran na maliit pa rin ang tsansa na maging bagyo ang LPA.

Gayunman, magdadala aniya ng pag-ulan ang sama ng panahon sa Mindanao at ilang parte ng Visayas.

Read more...