BREAKING: Sen. Angara, muling nagpositibo sa COVID-19

Photo grab from Sen. Sonny Angara’s Twitter account

Muling nagpositibo si Senator Sonny Angara sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ito at matapos ang mahigit isang buwan simula nang maka-recover sa COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng senador, sinabi nito na sa kaniyang paghahanda para mag-donate ng blood plasma sa ikalawang pagkakataon, lumabas sa swab test na positibo siya muli sa nakakahawang sakit.

Negatibo naman aniya ang kaniyang asawa na si Tootsy

“My wife Tootsy has tested negative, which could be proof of what my doctors are positing that I am probably no longer infectious and that this latest positive result is probably picking up remnants of the virus,” ayon sa senador.

Wala aniyang katiyakan sa panahon ngayon kung kayat dapat manatiling maingat.

Mas makabubuti rin aniyang hindi na muna siya personal na dumalo sa mga sesyon ng Senado para hindi na makahawa ng ibang tao.

“Nothing is 100% sure at this point so it is best to be prudent and cautious and thus it is best that I not attend Senate sessions in person for the risk posed to others. And we will follow the usual quarantine procedures for myself and members of my household as a precaution,” ani Angara.

“It was hard being isolated from my family before when I tested positive. I felt so much joy and happiness when I was cleared and was able to kiss and hug them again. Now I’m back in isolation. I am hopeful that soon our lives will return to normal,” dagdag pa nito.

Ipagpapatuloy aniya niya ang pananatili sa bahay at dadalo siya sa Senate proceedings sa pamamagitan ng teleconferencing.

“Rest assured that I will continue working from home like many of our countrymen and performing my duties as senator to the best of my ability,” sinabi ni Angara.

Muli namang nagpasalamat ang senador sa mga frontliner at hinikayat ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga panuntunan ng gobyerno.

“Once again I wish to thank all our frontliners, especially the healthcare workers. To our kababayans, let us continue to observe quarantine rules and continue taking precautions like safe distancing, washing hands, and wearing masks, if necessary. Thank you and continued prayers for everyone’s well-being. As I’ve said before, with hope, sacrifice, and unity of effort we will overcome this crisis,” pahayag ni Angara.

Read more...