BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 8,928

Tumaas pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (May 2), 8,928 na ang COVID-19 cases sa bansa.

156 ang panibagong kasong napaulat na tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, 24 pa ang nasawi dahilan para umabot sa 603 ang COVID-19 related deaths sa Pilipinas.

Ayon pa sa DOH, 40 ang panibagong gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, ang total recoveries ng nasabing sakit sa bansa ay nasa 1,124 na.

Read more...