Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City, 104 na; Apat ang nadagdag

Nadagdagan nang apat na panibagong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa Valenzuela Public Information Office, apat na persons under monitoring ang nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, sa huling datos ng City Health Office, nasa 104 na ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa lumabas na 39 resulta ng localized mass testing, araw ng Sabado (May 2), apat ang nagpositibo at 27 ang negatibo na bagong kaso.

Sa retest naman, pito ang nagpositive habang isa ang negatibo.

Sa kabuuan, 955 na ang nailalabas na resulta ng mass testing sa Valenzuela simula April 11 hanggang May 2.

Read more...