Magnitude 3.5 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 52 kilometers Southwest ng Sarangani bandang 10:16 ng umaga..

315 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...