Ayon kay Defensor, malinaw na may problema sa distribution dahil hanggang sa ngayon ay meron pa anyang mahigit 8 milyong pamilya na naghihintay na maabutan ng P5,000 hanggang P8,000 na cash assistance.
Ang DSWD at LGUs anya ang naatasang mamahagi ng social amelioration fund kaya dapat gawan nila ng paraan na mawala ang mga sagabal para mapabilis ang proseso.
Binanggit rin ng kongresista ang ilang lokal na opisyal na narereklamo dahil sa kawalan umano ng koordinasyon ng local DSWD office sa LGU para sa kwalipikadong households.
Tinukoy ni Defensor ang impormasyong nakapost sa DSWD website kung saan mula sa target na 18 milyong pamilya, 3.7 million na sakop ng 4Ps at 5.7 million non-4Ps ang nakatanggap na ng cash assistance.
Ibig sabihin, nasa 8.6 million households pa ang hindi naabutan gayung ngayong araw ang deadline para sa April SAP.