LOOK: COVID-19 Quarantine area sa Bilibid

Handa ang COVID-19 Quarantine area sa New Bilibid Prisons (NBP) para sa mga pasyenteng preso.

Tinawag na “Site Harry” ang pasilidad na karamihan sa medical items ay donasyon ng International Committee of the Red Cross.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) ang pasilidad ay magsisilbing isolation area para sa mga PDL ng Bilibid na makikitaan ng COVID-19-like symptoms.

Nagpasalamat naman si BuCor Director General Gerald Bantag sa ICRC sa mga donasyon.

Nilagyan ng bagong toilet system, water supply, ventilation system at bagong folding beds ang pasilidad.

Kaya nitong makapag- accommodate ng mahigit 100 PDL patients.

 

 

 

Read more...