Sundalo, 2 sibilyan sugatan sa enkwentro sa NPA sa Negros Oriental

Sugatan ang isang sundalo at dalawa pang sibilyan sa engkwentro sa New People’s Army sa Bindoy, Negros Oriental.

Ang engkwentro ay naganap sa Barangay Camudlas.

Nangyari ito matapos ang pagkasawi ng tatlong rebeldeng NPA sa engkwentro kamakailan sa mga tauhan ng 94th Infantry Battalion.

Ayon sa Negros Police Provincial Office, sa panibagong engkwentro ay nasugatan ang isang sundalo at isang government guide.

Mayroon ding menor de edad na tinamaan ng stray bullet.

Hindi pa tiyak kung may nasugatan sa panig ng mga rebelde.

 

 

 

Read more...