DILG naglagay ng COVID-19 help desks sa iba’t ibang panig bansa para sa mga OFW

Naglagay ng OFW help desks sa iba’t ibang lugar sa bansa ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang mga help desks ay nasa regional offices ng DILG at tutugon sa pangangailangan ng mga OFW na napauwi sa bansa dahil sa pandemic ng COVID-19.

Ang help desks ang tutulong sa mga OFW na umuuwi sa mga lalawigan pagkatapos ng kanilang quarantine.

Babantayan din ng OFW Desk Officer ang kalusugan ng Pinoy sa sandaling makauwi na ito sa kaniyang pamilya sa pakikipag-ugnayan sa city o municipal health workers.

Inaatasan ang OFW Desk Officer na makipagtulungan sa LGUs para sa impormasyon hinggil sa mga umuwing at uuwi pa na OFWs.

 

 

 

Read more...