DOH may Chatbot para sumagot ng katanungan tungkol sa COVID-19

Naglunsad ng chatbot ang Department of Health (DOH) para sumagot sa mga katanungan tungkol sa COVID-19.

Ang chatbot ay pinangalanang “Kira” na ang ibig sabihin ay Katuwang na Impormasyon para sa Responsableng Aksyon.

Anumang katanungan tungkol sa COVID-19 ay pwedeng i-type sa messenger na sasagutin naman ng chatbot.

Tiniyak naman ng DOH na mapapangalagaan ang mga impormasyong ibibigay ng publiko sa chatbot.

Maari kasing kulektahin ng chatbot ang mga impormasyon ng mga magtatanong gaya ng buong pangalan, gender, FB profile URL, at ang mga mensaheng ilalagay sa chat.

 

 

 

Read more...