ECQ sa Ilocos Norte pinalawig pa

Mananatiling nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lalawigan ng Ilocos Norte.

Ito ay kahit isinama ng Inter Agency Task Force ang naturang lalawigan sa mga lugar na nakasailalim na sa General Community Quarantine.

Ayon kay Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Monotoc nagpasya sila na panatilihin ang pag-iral ng ECQ sa lalawigan.

Mananatili aniya ang ECQ hangga’t hindi nakatutugon ang Regional Inter-Agency Task Force sa kaniyang apela na isailalim ang lalawigan sa Modified General Community Quarantine.

 

 

 

 

 

Read more...