Antas ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.43 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (May 1) mas mababa sa antas nito kahapon na 190.60 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 99.94 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 99.96 meters habang bahagyang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.69 mas mababa sa antas nito kahapon na 76.72 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan at Caliraya nadagdagan naman ang antas ng tubig ng San Roque at Magat dams.

 

 

Read more...