Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na sa paggunita sa Mayo 1 ng Labor Day, magpapalabas sila ng joint guidelines ng Trade and Industry Department para sa proteksyon ng mga trabahador sa COVID-19.
Ayon pa kay Bello, may pinaplantsa na silang post-COVID recovery plan para sa paglikha ng panibagong isang milyon trabaho sa mga probinsiya sa mga susunod na buwan.
Kasama aniya sa package ang pagsagot sa tatlong buwan suweldo ng mga manggagawa sa micro and small scale enterprises.
Paliwanag nito ang plano ay nakatuon sa konseptong balik-probinsiya kayat paiigtingin pa nila ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa susunod na tatlong buwan para magkaroon ng trabaho ang mga sasailalim sa programa.