COVID-19 tests sa bansa, umabot na sa 92,822 – DOH

Umabot na sa 92,822 ang unique individuals na nasuri sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa nasabing bilang, 82,438 o 89 porsyento ang lumabas na negatibo sa nakakahawang sakit.

10,245 o 11 porsyento naman aniya ang lumabas na COVID-19 positive.

Ani Vergeire, hindi pa kasama sa bilang ang mga datos mula sa dalawang pribadong laboratoryo.

Muli naman nitong nilinaw na ang total positive tests ay maaring mas mataas kaysa sa total confirmed cases dahil dumadaan pa aniya sa case validation and processing ang lahat ng nagpopositibong pasyente.

Samantala, sinabi rin ni Vergeire na ang minimum testing capacity ng mga laboratory sa bansa ay 2,895 habang ang maximum ay 6,420 kada araw.

Aniya, patuloy na magpupursigi ang mga laboratoryo sa bansa para maabot ang target na P8,000 tests kada araw.

“Hindi rin po titigl ang ating mga ginagawa upang tulungan ang mga laboratoryong dumadaan sa ating laboratory certification process. Asahan po natin na sa mga susunod na araw ay mas tataas pa po ang bilang ng mga test na maisasagawa ng ating mga laboratoryo kada araw kapag nakapag-setup na po tayo ng mga machine at iba pang kagamitan sa ating mga laboratoryo,” ani Vergeire.

Read more...