Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang April 30, umakyat na sa 27 ang total recoveries ng sakit sa nasabing rehiyon.
Kabilang sa bagong gumaling ang mga sumusunod:
– 74-anyos na lalaki mula Caluya, Antique
– 45-anyos na lalaki mula Caluya, Antique
– 59-anyos na lalaki mula Caluya, Antique
Samantala, siyam ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Nananatili rin sa 66 ang tinamaan ng COVID-19 sa Western Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES