Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggang April 29, umabot na sa 1,619 ang medical workers na apektado ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 604 ay nurse habang 557 naman ay physician o doktor.
Narito naman ang naitalang kaso sa iba pang health worker:
– Nursing assistant – 99
– Medical Technologist – 63
– Radiologic Technologist – 31
– Respiratory Therapist – 17
– Midwives – 18
– Pharmacists – 13
Sinabi pa ni Vergeire na mayroon pang 217 na iba pang health workers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang barangay health workers, administrative aids, utility workers at iba pa.
Samantala, sinabi pa ni Vergeire na 33 na ang nasawi dahil sa nakakahawang sakit kabilang ang 24 doktor at pitong nurse.
250 naman aniya ang naka-recover na health worker sa COVID-19 pandemic.