‘Senior’s ban’ inalmahan nina Lacson, Angara

Inquirer File Photo

Kinuwestiyon ni Senator Panfilo Lacson ang pagbabawal ng Inter-Agency Task Force sa mga may edad 60 pataas o ang mga senior citizens na lumabas ng kanilang bahay bilang bahagi ng mga hakbangin sa pagharap ng gobyerno sa COVID-19 crisis.

Ayon kay Lacson, kawalan ng konsiderasyon ang naturang polisiya dahil aniya, maraming senior citizens ang mas malusog at mas malakas ang immune system kumpara sa mga nakakabata ang edad.

Tanong pa ng senador, kung pinag-isipan ng task force ang polisiya na ito na aniya ay hindi makatarungan para sa mga malalakas na nakakatanda sa edad.

Samantala, nais naman ni Angara na magkaroon ng ‘exceptions’ ang mga senior citizens.

Sinabi nito na agad siyang nakatanggap ng mga reklamo mula sa mga galit na galit na seniors nang malaman na ipagbabawal na ang kanilang paglabas ng bahay kapag umiral na ang general community quarantine.

Katuwiran ng senador, maraming nakakatanda ang mag-isa lang sa bahay at tanging sila rin ang kumikilos upang sila ay mabuhay.

Aniya, dapat balansehin ang pagbibigay proteksyon sa mga senior at ang kanilang mga pangangailan.

Read more...