Mga planong magkasa ng public assembly sa Labor Day, aarestuhin ng PNP

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa na hindi lingid sa kaalaman ng kanilang hanay ang plano ng ilang militanteng grupo na magkasa ng public assembly sa ilang lugar sa May 1.

Ito ay para sa paggunta ng Labor Day.

Sa virtual presser, hinikayat ni Gamboa ang mga grupo na huwag nang ituloy ang plano para sa sarili nilang kaligtasan at maging ng publiko.

“Much as we respest their right to peaceably assemble, out of the exigency of the health crisis situation, we beg to discourage them from pursuing these plans for their own safety and in the best interest of public health,” pahayag nito.

Iginiit pa ng PNP chief na layon lamang ng istriktong pagpapatupad ng enhanced community quarantine na protektahan ang publiko.

“Let me emphasize that the strict enforcement of the ECQ is the States fulfillment of its duty to protect the right to life of its people, especially against those who violate it by asserting their liberties, which in this case is not absolute, and which inevitably spreads the contagion further,” ani Gamboa.

Dagdag pa nito, “Arrests, detention, fines, and other penalties for violating the States ECQ rules are imposed to hold violators accountable.”

Nagpasalamat naman si Gamboa sa kooperation ng Muslim community sa pagpapatupad ng adjustment sa paggunita ng Ramadan.

Read more...