‘New normal’ benefits sa mga manggagawa, isinusulong ni Sen. Hontiveros

Naghain ng panukala si Senator Risa Hontiveros para sa mas maging maayos ang pagtatrabaho ng mga manggagawa.

Sa Senate Bill No. 1441 o ang Balik Trabahong Ligtas Act, nais din ni Hontiveros na mabigyan ng mandatory life insurance ang mga manggagawa at karagdagang health insurance.

Ang matinding epekto ng COVID 19 crisis sa mga trabahador ang nagtulak sa senadora para ihain ang panukala.

Nais niyang mabigyan ng PhilHealth coverage maging ang mga contractual, contract of service, probationary at job order workers.

Paliwanag ni Hontiveros, kailangan may ganap na proteksyon ang mga mangaggawa kapag may deklarasyon ng public health emergency tulad ng nararanasan ngayon.

Mayo 1 ay gugunitain ang Araw ng Paggawa at may mga sektor sa paggawa na nasa mga lugar na sasailalim na lamang sa general community quarantine ang papayagan nang muling magbabalik-operasyon.

Read more...