Bilang ng Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, 1,677 na

Nadagdagan nang 33 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 30, nasa 1,677 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,025 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 451 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Dalawa ang nasawi pa kung kaya 201 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami nang naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europe na may 483 na kaso.

Sumunod dito ang Americas na may 471 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 367 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 356 sa Middle East/Africa.

Read more...