BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 8,488 na

Patuloy pa rin ang paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (April 30), 8,488 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 276 ang panibagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

10 namang pasyente ang pumanaw dahilan para umabot sa 568 ang COVID-19 related deaths sa Pilipinas.

Ayon pa sa DOH, 20 pasyente naman ang gumaling sa COVID-19 pandemic.

Dahl dito, ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa ay umakyat na sa 1,043.

Read more...